Huwebes, Marso 27, 2014

Wattpad


      If you're sad, cry it out. In the end, you'll realize that the world is still in orbit and you have to revolve along with it.
                                                                                                           -John DC

Tatagalugin ko po ang kowt na binanggit ng isang gwapong(emphasis) nilalang sa taas:"Di mo kailangan istatus sa FB lahat ng pinagdadaanan mo lalo na kapag hindi mo alam ang kaibahan ng your at you're".

Gusto mo pa ba ng isang version ng translation nito? Sige. "Humagulgol ka kung malungkot ka. Iiyak mo ng todo, ngunit tandaan mong mas mahal pa rin ang matrikulang binabayaran mo kaysa sa drama ng lablayp mo"

Sa mga lumaki sa aircon at tiki-tiki, isang pagpapala ang binigay sa inyong marangyang buhay. Sana wag ninyong sayangin ang mga naipundar ng inyong magulang sa mga desisyong inyong tatahakin. 

Sa mga dukhang tulad ko na napagkaitan ng de-remote control na helicopter nung kabataan, ito ang masasabi ko, magsikap pa tayo at huwag magpadala sa mundo na pag-aari ng demonyo. Mas lalong huwag nating sayangin ang pagod ng ating mga magulang sa pagsasaka sa ating mga kabukiran at sa araw-araw nilang pag-sunbathing sa gitna ng karagatan para sa edukasyong nais nilang ating makamtan.

Sa mga nagtapos ngayong Marso,ibigay ninyo lahat ng papuri hindi sa inyong sarili kundi sa mga taong nasa likod nito. Una sa Panginoon at pangalawa sa iyong pamilya. Pagka't sila ang tunay na mga dakila na kadahilanan ng iyong pagmamartsa.

Madrama po ang buhay. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit kumikita ang MMK at ang show ni Willie(May show pa ba siya?).
Lablayp, pamilya, kahirapan, pag-aaral at kung anu-ano pang makabagong teknolohiya na nakakaimbento ng bagong drama; dapat nating alamin ang prayoridad nito sa ating buhay. Kung meron tayong Abraham Maslow's Hierarchy of needs dapat meron din tayong John DC's Hierarchy of feelings and its effect to global warming.

Sabi nga ni kuya Kim kanina sa Showtime: "Kaya maalat ang luha dahil ito ay isang Saline Solution na binubuo ng Sodium Chloride at tubig. Ito rin ay naglilinis sa mga masasamang bacteria na maaaring mamuo sa ating mga mata."

Sinubukan ko ding tikman kung maalat nga ba ang luha ko ngayong gabi kung kaya't nasulat ko itong madramang manuscript ng pinaghalong gag show at love story(Halimbawa: Diary ng Pangit).

Wakas.

John DC

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento