Huwebes, Marso 13, 2014

Bato Bato Balani

Who: Lahat kayong mga alipores ko. 
What: Seminar on <insert boring topic here>
Where: Everywhere
When: Everywhen?

Attendance is a must! No attendance, No grade!
Penalty: Php 1,000,000

Kung walang nakapaskil na ganito sa mga eskwelahan ninyo. Naku! Aba'y Pinagpala kayo! 
Maniwala ka't sa hindi may mga Unibersidad na ganito ang pamamalakad. Hindi ko naman sila masisisi pagkat minsan wala naman talagang tulong mula sa kung sino mang presidente. 

Naalala niyo pa ba ang Kalakalang Galyon at ang sapilitang paggawa? Ganito din yun eh, medyo high-tech lang nang konti. Maihahalintulad natin ang ating mga sarili ngayon sa mga alipin dati. Alipin pa rin tayo ngayon ngunit sa ibang aspeto. 

Aliping Namamahay.

Noon: Ito yung mga aliping may mga bahay sa loob ng compound ng kanilang mga amo. Sila yung mga hindi naman talaga maituturing na alipin bla bla bla bla. Nasa wikipedia lang ang sinasabi ko, hindi ko pinangarap maging trying hard na google translator. 
Ngayon: Sila yung alipin ng TV, computer, cellphone, ipad, ipod, iphone, wephone, wepad, waley. Sila yung di naman talaga alipin pero gustong gusto ang feeling maging alipin.

Aliping Saguiguilid.

Noon: Ito yung kabaligtaran ng Aliping Namamahay. Ito yung kung maituturing mong tunay na alipin.
Ngayon: Sasabihin ko pa ba? Masyado namang obvious eh.

Napansin ko lang sa aking kapwa kabataan, kapag sa mga usaping patungkol sa eskwela ang iba walang problema kahit malaking halaga ang ilabas na pera. Kahit minsan hindi natin alam kung saan ito napunta, okay lang basta makagraduate ng maaga. 

<*krut.krut.krut*>

1 week later.

Ang nasa itaas ay yung mga nauna kong naisulat para sana sa panibagong artikulo. Nagtataka siguro kayo kung bakit natigil saglit ang pag-iingay ko sa internet. Ako nga rin nagtataka, akala ko ay sunod-sunod na ang mga bibitawan kong litanya. Napaisip din ako, nauubusan din pala ng mga salita ang mga taong maiingay tulad ko.

Sinubukan kong maging tahimik, ritwal kumbaga, nagbabakasakaling may maisip akong maibato sa inyo. Pero wala eh. Walang pumapasok sa utak ko. Kaya't humugot ako ng "inspirasyon" sa matagal ko nang nabasang libro. Tila ba kinakausap ako nito at naging dahilan sa pagsulat ko nitong artikulo. Kaninong libro? Sa tinaguriang mascot ng kwentong barbero, si master BOB. So siya ang sisihin mo kung nababagot ka kakabasa nito.

Kahit sabi niya sa libro na ayaw niyang mayroon sa kanya ay umiidolo, wala akong magagawa kasi kusang sumasang-ayon ang utak at mga kalamnan ko sa sinasabi ng mga titik ng bawat salita niya. Bakit ko to sinasabi? Kasi sa sobrang pag-iisip ko kung paano iwasan ang mga salitang marahil ay makasakit sa inyo, eh ayun wala akong masulat. Kasi nga naman, marami akong puna na kahit sa mismong sarili ko maraming bakas ang katulad nito.

Hindi naman sa nais ko kayong saktan, eh kung ganun mawawalan ako ng PANS(todo na to!) na nagtitiyagang magbasa nito. Para sa atin kasi, mas madaling makita ang camalian ng isang tau kessa sa mga taMmang ngawa nitto. Diba? Pero mapalad ang mga tumatanggap ng mga masasamang kritiko sa positibong paraan pagkat ibig sabihin lang nito sila'y narinig ng mga taong tingin sa sarili ay perpekto. 

Hindi ko alam kung paano ko maikokonekta ang mga ideya sa aking utak. Sira-sira. Wasak-wasak. Parang puso.... Engk! Wag ka nang dumagdag sa senti ko ngayong araw.

Wait lang ha, intro lang  pala lahat ng ito. Haba no?

8 hours later.

Nagbabasa ako sa ilang mga pahina ng libro na may mukha (Facebook). Marami akong nabasa. Iba-ibang mga hinanaing ng mga utak na nagsisigawan. Karamihan kabastusan at puro tungkol sa ending ng isang teleserye ngayong gabi na itago na lang natin sa titulong "Gusto Kong Maniwala"(pero di ko magawa). Hayok sa trip ang mga taong gumawa nito eh, gustong paniwalain ang mga tao sa mga kwentong paulit-ulit na amnesia-love-story-na-ang-ending-alam-mo-namang-maalala-nila at yun nga nagpalinlang ka naman at kinilig ka pa rin. Gawin natin ito sa lenggwahe ng matematika para kunyari maniniwala ka sa mga sinasabi ko.

–30 minuto ang bawat episode ng mga teleseryeng ito (Kalakip na ang advertisements na mga 29 minutes)
–Ngayon magtatanong ka kung bakit ko alam ang timeline ng mga palabas na ito. Oo, nanunuod din ako, anong akala mo sa akin full blown taong tabon?! Konti lang.
–Imultiply natin ang 30 minuto sa 5 araw sa isang linggo, idivide sa 60,imultiply ulit sa 4 na linggo sa isang buwan. Iadd. Isubtract. Isqaureroot. Maxima. Minima. Oink. Oink.
–Basta sabi ng abacus ko SAMPUNG oras ang ginugugol mo sa panunuod ng ISANG teleserye sa ISANG buwan! Hindi pa kasali dito ang mga chismis sa Buzz ng Bayan tuwing linggo at mga blockbuster hits ni Fernando Poe.

Ngayon, nag-iisip ka. Nakokonsensya. Kung nag-aral ka na lang kaya(naks!) o di kaya'y gumuwa ng isang makabuluhang bagay na ikaliligaya ng buong mundo(Halimbawa: Mamatay). 

Sa sobrang bored ko sa mga palabas sa telebisyon na minomonopolize ng lola at nanay ko, kumukuha ako ng stopwatch at binibilang ko kung ilang segundo ang ginugugol ng mga advertisements. At ayon sa aking survey, ang pinakamahaba bukod sa station ID(ganito ba tawag dun?) na nag-iiba iba tuwing pasko, tag-araw, tag-snow at eleksyon ay 45 seconds. At dun ko nakukumpara kung sinong mga kumpanya ang pwede kong pag-applyan sa sunod.(Note: Kids, don't try this at home. Only professional tambays can do this.)

At ayun. Intro pa rin ito sa talagang gusto kong isulat. Haha! 

1 hour later

Ano ba talaga ang gusto mong marinig kaibigan? 
Recent news? May TV naman. 
Punchlines? May gaybar naman. 
Opinyon? May diaryo naman. 
Kabastusan? Naku! Wala akong alam diyan. :)

Buong pagpapakumbaba ko pong inaamin na hindi po ako kagalingan sa larangan ng pagsusulat. Isa rin akong tulad niyo na nagnanais marinig at  magkaroon ng maraming likes at shares ang FB status ko. Hindi para sa kasikatan kundi para lang marinig niyo ang malakas na boses na dulot ng pagsusulat na galing sa isang mababang uri ng nilalang. 

Wala po akong gaanong nakukuha sa pagsusulat liban sa mga kakaunting papuri at kritiko na malugod kong tinatanggap at ginagawang inspirasyon. 

Nagkaroon ako ng konting pag-uusap sa kaibigan kong libangan din ang pagsusulat:

John DC: Narealize ko na masyadong matayog ang pangarap maging manunulat. Daming masasakripisyo, tulad ng career(na hindi ko gusto), respeto ng magulang(syempre hindi kami mayaman at kailangan kong magtrabaho) atbp.
J: Ilang beses ko na ring napagtanto ang ganyang mga drama sa buhay. Nag-aaway ang practicality at passion sa loob ko na minsan naisip ko na lang na "sana mayaman na lang kami agad" para hindi sila umaasa sa akin. Makasarili man kung pakinggan ang "passion" pero yun yung nagpapasaya sa atin eh. Kahit na, Oo, nagpapasaya sa atin ang pagshare ng blessings sa iba pero paano na man ang kaligayahan mo?
John DC: <*grins*> Deep.
J: so ano, pagpapatuloy pa natin ang kabaliwang to?
John DC:  Syempre! Hahahaha 
J: Hahahahaha!
John DC at J: (sabay) HAHAHAHAHAHA!

(Tagalized para sa mga hindi nakakaintindi at feeling tegeleg-speaking species)

Kita mo naman paano magkausap ang dalawang baliw, matapos magdrama at magsenti sa pangarap sa buhay, Eh ayun! Kahit walang katiyakan patuloy pa ring nangangarap. Dear Charo, dito ko nalang iilalagay ang bating panimula, Hirap akong mag-edit eh.

At <*grins*> Intro pa lang ulit yan. Sabog ata talaga ako ngayon eh.

20 minutes later

5:00 pm. Katatapos ko lang maligo at natanggal na lahat ng masasamang elemento sa katawan ko. Narealize kong sa haba nitong aking sinusulat, marahil hindi mo na tapusing basahin ang susunod kong sasabihin. Kaya nga, idedefer ko na lang ang pagsusulat ng tunay kong paksa. Marketing strategy ika-nga. 

Ang totoo, di ko talaga maikonekta ang paksang Bullying sa mga nauna kong sinabi eh. Ayoko ko namang burahin at ibahin ang naunang tumakbo sa mga utak ko para lamang sa ikakasiya ng mga mambabasa. Ang pagsusulat ay hindi lamang para maipahatid ko sa buong mundo ang tingin ko sa taghiyawat ni Sotto o sa Nunal ni Arroyo. Para sa akin, personal din ang pagsusulat, malaya akong nakakapagsalita sa aking mga hinanaing hindi lamang para sa bansa kundi para sa pansarili na din. 

Bato Bato Balani.  Minsan sa buhay hindi natin alam kung paano ikonekta lahat ng mga bagay-bagay. Minsan kailangan lang natin idikit ang sarili sa iba para malaman natin kung saan nga ba tayo papunta. TEKA MUNA! Nakikita ko ang gilagid mo kakangiti sa sinabi ko. Hindi ko po kayo hinihikayat maging bastos ha? Ang sinasabi kong "sa iba" eh yung sa mga taong makakatulong sa yo at syempre sa Diyos na may Likha na kahit ano mang kababuyan ang gawin mo, ay handa ka pa ring kausapin ng matino. Oh di ba? Bebentahan na kita ng rosaryo at bibliya ha? At sa mga natamaan ng mga bato bato balani ko, paumanhin po sa inyo pero ito po ang pinaniniwalaan kong totoo. At sa mga hindi nakakaalam anong ibig sabihin ng bato balani, magtanong ka sa kinder, sasagutin ka nito.

P.S.

 I promise to pay you or order the remaining article i should've written here three days after the death of the oldest senator.
                            Signed: John DC

Question: Is the promissory note negotiable? 
If yes, I dont care.
If no, write a reaction paper on Anti-bullying act in Alibata.

SOURCE: NIL Sec. 1 (Yabang noh? Clue ko lang to kung sino ako. Lusot ba? Haha)

Sa pagtatapos nito, narealize mo ding nasayang ang oras mo kakabasa nito dahil ang totoo, wala naman talagang kwenta ang mga sinabi ko dito. Sana nanood ka na lang ng ending ng teleserye at nagbilang ng kung ilang segundo ang advertisement.

Hanggang sa susunod na kabanata ng walang kwenta kong gawa, Paalam! :)




John DC

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento