Noong nagdaang linggo, kinausap ako ni John DC tungkol sa pinaggagawa niya sa buhay niya, at nasabi niya rin ang tungkol sa dummy account na ito. Ito lang ang nasabi ko sa kanya:
"Tol, may kilala akong psychiatrist. Patingin ka kaya?"
Pero syempre, joke ko lang 'yon. Kung baliw na sa tingin niyo si John DC, gan'on din naman ako.
Agad niya akong napa-oo sa pagsali sa kabaliwang ito. Hindi na niya kinailangang magsuot ng puting polo at mag-slacks at salubungin ako sa daan sabay sabing "Sigurado ka bang mapupunta ka sa langit?" O, magpakita ng mga litratong may taong nakatayo sa tabi ng isang Fortuner sabay sabing "Magtataho lang 'yan noon. Tingnan mo ngayon, milyonaryo na! Dahil 'yan sa Blah Blah Networking!" Konting sales talk lang at pagdala ng foods sa condo ko, napa-oo na niya ako.
Baliw na kung baliw. Oo, sasabihin kong wala kaming magawa sa buhay. Pero babawiin ko 'yon kasi alam kong kahit papaano, may nagagawa at magagawa kami.
Ano ba talaga ang adhikain namin? Simple lang naman, at 'di nangangailangan ng mga kumplikadong nerve impulses upang maunawaan: Ang pagpapalaganap ng awareness sa mga isyu o bagay-bagay sa MSU, sa bansa, at sa universe na may saysay sa pamamagitan ng malikhaing pagsusulat.
Jologs ba? Hindi naman siguro. Ito ang jologs o: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=778187678875711&set=a.679504452077368.1073741826.548714465156368&type=1&theater
***
Tulad ni John, mahilig din akong magsulat. Tulad niya, single din ako. Pero 'di hamak naman na mas gwapo at habulin ako sa kanya. Haha!
Hayaan niyo akong magpakilala. Itago niyo na lang ako sa pangalang "Judas DC."
Tanong: Why "Judas DC?"
Sagot: Why not?
Napili ko ang pangalan na Judas (Hudas sa Tagalog) upang ma-relate naman sa pangalan ni John. Kabobohan naman kung ang gagamitin ko ay "Ako si Judas" o "Atchup ng Uhaw." Total kapangalan naman ni John ang isang disipulo sa Bibliya, eh gagamit na rin ako ng pangalan ng isa pang disipulo.
Blasphemous mang pakinggan, pero hindi naman siguro. Nagtirik kami ng kandila at nag-alay ng isang lechon manok na binili namin sa Chooks-To-Go upang humingi ng pahintulot sa paggamit ng pangalan ni Hudas sa pinaggagawa namin. Humingi kami ng senyales, at 'yun na nga, ending na ng Got to Believe kahapon. Magpasalamat sa kaligtasan!
Note: Hindi po kulto ang binuo namin ni John.
Ginaya ko na lang din ang apelyido niyang Dela Cruz o DC for short dahil nakakatamad nang mag-isip ng iba. Ang Pinoy ko lang, 'di ba?
"God knows Hudas not pay," sabi pa ng quotable quote na makikita mo sa mga jeep. Si Judas DC ay constant reminder na tulad ng mga jeep, namumutiktik pa rin ang mga Hudas sa bansang ito.
***
Gusto naming magkaroon pa ng ibang mga kasama sa kulto, este, adhikaing ito. Gusto naming magkaroon ng downline kasi 500 'yon kada isang recruit at 1500 kapag pairing bonus!
***
Nawa'y tangkilikin niyo pa ang kabaliwang ito, mga ka-Hudas!
PS:
Kay hirap man pala magtagalog uy.
Judas DC
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento