Huwebes, Marso 27, 2014

Kape


Habang ako'y stranded sa mall dahil sa pagbulusok ng galit na galit na ulan, napadpad ako sa isang liblib na lugar kung saan naholdap ako ng isang coffee shop.

Php100.00 para sa isang tasang kape. 

Php100.00 na makakabili sana ng isang kilong bigas, dalawang itlog at isang sardinas para sa isang mag-anak. 

 At ang pinakamasaklap, nadagdagan pa ng Php12.00 (VAT) ang makukurakot ng mga minions ni Janet.

At ang kape? Di ko alam kung lasang mayaman o sanay lang talaga ako sa 3-in-1.

Lesson: Wag tumambay sa coffee shop kapag umuulan at lalo na kapag wala kang pera.

Wakas.

John DC

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento