Hindi ko papalagpasin ang mga nangangamoy pork na mga gawaing ito sa ating Pamantasan.
Hindi po kami octupus ride sa oval na papaikutin lang ng mga taong may kontrol at kapangyarihan.
Hindi ko po papayagan na ang karapatan ng aking kapwa iskolar ng bayan ay matatapakan.
Ayon sa perspektibo ng isang binibini na humingi ng payo sa akin kumakailan lang, nung mabundol daw siya ng jeep ay pinangakuan siya ng manager ng insurance company (kung saan nagbabayad tayo ng P50.00 kada semestre) na iko-cover daw ng nasabing insurance ang mga gastusin. Hindi ko din alam kung may dugong Marvel Superhero itong si Ineng na sa kabutihang palad ay walang masamang nangyari sa kanya.
Tulad ng mga teleserye sa tibi na nahuhulaan natin ang ending, syempre hindi rin naclaim ng estudyanteng ito ang pinangakong insurance. At dahil hindi naman nakasulat sa likod ng resibo o nakapaskil sa labas ng opisina ng SSC ang polisiya ng naturang Insurance Company, kaya ayun, biglang nag-iba ang ihip ng mabahong hangin.
Hindi lang po pag-organisa ng intrams ang inyong mabuting magagawa mga kaibigan. Isang taon ang inyong termino at hindi isang buwan. Marami pang hinanaing ang ating mga estudyante na maaari niyo pong solusyunan.
At simula nung mag-umpisa ang bayaring ito, magkano na kaya ang naimpok ninyong salapi mula sa amin?
Mahigit MILYON.
Sa mga butihing manunulat natin sa BAGWIS, nawa po'y may magsulat sa inyo tungkol sa polisiya, report at istatistika ng mga taong nakaclaim ng insurance upang malaman ng mga estudyante kung sa tuwid na daan nga ba napupunta ang aming mga pera. Kung wala namang nakakatanggap, yun ang mahirap. Tulad ng mga buwis na nakukurakot ng iilan, gayundin dito, ang mga pulubi pa ang nagdodonate sa mga mayayaman.
Para sa binibining hindi nag-atubiling magtanong sa isang estranghero patungkol sa kanyang karapatan, ito lamang po ang aking magagawa para ang hinanaing mo ay ipagsigawan. Maraming salamat, kaibigan.
<*super saiyan mode*>
Wakas.
John DC
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento