Huwebes, Marso 13, 2014

Republic Act 10175


BABALA: Ito ay super mahaba! (Wag bastos. Okay? Bad yun.)

Sapagkat nais kong gampanan ang aking pagka-Pilipino sa paraang kaya ko, sinasagot ko ang panawagan ng ating butihing Senadora Santiago ukol sa pagtutol sa cybercrime law. 

Hindi ako raliyista. Hindi ako politiko/artista. Hindi ako propagandista. Ako'y hamak na manunulat lamang na nagnanais marinig ng sangkatauhan ang mumunting tinig na namumutawi sa mga letrang sinusulat ko. Nawa'y nararamdaman ninyo ang bugso ng aking damdamin na patuloy na umaasa na habang buhay ang demokrasya at may eleksyon, ang salitang pagbabago ay mayroon pang pagkakataon.

Wait lang. Hindi ko nga pala kabatch sina Jose Rizal, Marcelo del Pilar at Apolinario Mabini. Ginawa ko lang namang matalinghaga at kaakit-akit ang aking mga salita upang kayo ay maniwala na marami akong alam sa aking sinisulat na paksa. Oooops. Di nga pala ako pulitiko. 

Ayon sa isang babaeng nakabahag na pula at sideline ang pagiging senadora, ang cybercrime law ay hindi konstitusyonal. Ayon sa kanya "In fact, the constitutional provision, on the surface, sounds absolute: ‘No law shall be passed abridging the freedom of speech.’ I humbly submit that while the general rule is that a law is presumed to be constitutional, there is an exception when the law limits free speech."

Meron daw dalawang doktrinang nilabag ang isinasagawang batas. 

1. Ang overbreadth doctrine na nagsasaad na kapag ang isang batas ay may malapad na saklaw at kapag ito ay pumipigil sa kalayaan ng mga mamamayan, ito'y dapat hindi ipasakatuparan ng Korte Suprema.
2. Ang vagueness doctrine. I-google mo na lang, ang hirap itagalog eh. 

Dagdag pa ng senadora: "For these reasons, I humbly predict that the Supreme Court will strike down the Cybercrime Act as unconstitutional. Otherwise, it will be a black, black day for freedom of speech." 

Freedom over restriction. Yun yun eh!

Nababagot ka na ba? Sabagay, ganyan tayong mga Pilipino eh. Puro reklamo kahit hindi naman alam ang puno't dulo. Parang sa eskwela, internet. Internet. Internet. Dota. Dota. Dota. Pagdating ng exam, drama. Drama. Drama. Puro reklamo, walang gawa. Hard na ba? Sige na nga. May tanong ako, pero secret lang ha? May bagong version na ba ang Dota 1?

(Disclaimer: hindi po gawa-gawa ang mga ito. Kung gusto mo magpasikat ng talino, pumunta ka sa Senado at magdebate kayo ni Santiago. Pagkatapos, tingnan natin kung ‘di mo ikakahiya ang iyong pagkatao. Haha. Pwede ko na bang kalabanin si Abra sa fliptop?) 

Sabi pa nga ng isang butihing alkalde ng Davao na si Duterte, "Hindi na natin kailangan ng batas, ang kailangan natin ay enforcement.” Sino nga ba ang isa sa mga nagpanukala sa batas na ito? Ahhh. Tama! Yung dating artista na naging senador na tinagalog ang speech ng dating presidente ng Estados Unidos na si John F. Kennedy na ayaw umamin sa kasalanan dahil hindi raw ito plagiarism? Andami ng panturing ang ginamit ko di ba? Masyado bang halata ang pagkakarindi ko sa taong to? Ang mas nakakahiya pa dun, pinadalhan pa siya ng sulat ng pamilya ng dating presidente ng EstadosUnidos! At ayun. Ang kapal talaga ng gilagid. Ayaw pa rin umamin. Malamang hindi niya talaga iniidolo ang dating Presidente GMA kung kaya't ayaw niyang gayahin ang tanyag na mga katagang "I am sorry, noh?" Madali lang naman sana yun eh. May pagkakataon pa sana siyang maibalik ang kanyang reputasyon at manalo bilang presidente ng Pilipinas. Joke. Hala! Kabahan ka na senador! Malapit na eleksyon! Magdasal ka na na sana mabaon sa limot ang kahihiyang ito kung hindi malapit ka na rin maging unemployed tulad ng karamihan sa Pilipino.

Naalala ko tuloy ang isang joke ni Senator Meriam Defensor-Santiago na ginamit niya sa isang speech para sa graduating students ng isang pamantasan: ”Tingnan mo ang mga mambabatas na nangongopya noong sila'y estudyante. Ngayong senador na, nangongopya pa rin!”

"Government growing beyond our consent had become a lumbering giant, slamming shut the gates of opportunity, threatening to crush the very roots of our freedom. What brought America back? The American people brought us back -- with quiet courage and common sense; with undying faith that in this nation under God the future will be ours, for the future belongs to the free." -Ronald Reagan

Mahaba ba? Wag mo na lang basahin. Comment ka na lang sa baba: "Tooooooooot, ang haba! Nakakapagod magbasa!" Duh. Wag mong isisi ang katamaran mo sa gawa ng ibang tao. Ang talatang nabanggit sa itaas ay hindi lang para sa mga tao sa Estados Unidos. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang sitwasyon ng mga demokratikong bansa. Sa palagay mo, ano ang dahilan ng pagiging makapangyarihan ng bansang nabanggit? Engk! Hindi ang gobyerno kundi ang mga taong nakapaloob dito at ang kanilang matinding paniniwala sa May Gawa.

Kfine. Alam kong nasusuka na ang iyong utak at marahil dumudugo na ang lahat ng pores ng katawan mo sa paksang puro katiwalian ng gobyerno. Ito, bibigyan na lang kita ng quote na hindi kailanman naiforward sa mga GM sa iyong cellphone.

"The government should not be guided by temporary excitement but by sober second thought" -Martin Van Buren

Eh sino ba namang kolokoy ang magfoforward ng mga ganito sa mga GM o magpopost sa mga wall nila? Alam kong mas pipiliin niyo pa ang mga "smiling on the outside but hurting on the inside" na mga post na kung sino man ang nagpasikat ay sana mahatulan ng reclusion perpetua o di kaya'y bitay. Sino yung tao sa taas kamo? Ewan ko rin. Sana nga manalo din siya bilang presidente ng Estados Unidos para mas maging makabuluhan ang sinabi niya.

Nagtataka rin ako, saan kaya kinuha ng senador ang speech na ginaya niya? Baka sa internet. Oh di mas mabuti. Siya ang unang taong dapat kasuhan ng pagnanakaw ng intellectual property ng iba. At pag narealize niya ito, ano kaya ang mangyayari? Hindi man ako si Nostradamus pero huhulaan ko, makikirally na rin siguro siya sa mga bangketa upang sumuporta sa mga tulad nating ayaw ipatupad ang cybercrime law. Siguro tinamad yung mga political advisers niya kung kaya't nagtranslate na lang ng gawa ng iba. May lakad siguro o mababa ang sahod mula sa senador. 

Alam rin kaya ng mga mambabatas na meron pang ibang social network bukod sa facebook at twitter? 

”It punishes any person who aids or abets the commission of any cybercrime, even if it is only through Facebook or Twitter."

Pwes, buhayin ang friendster! Dali!

Sana din prospective ang application ng batas na ito kung sasakaling ito'y mapatupad man. Dahil kung ire-retrospect ito, naku! Marahil kukulangin ang bilangguan ng buong Pilipinas sa dami ng maysala at baka sa loob ng kulungan na rin ang bagsak ko. Iniisip ko pa lang, di kaya tamarin ang mga judge sa paghuhusga ng paulit ulit na mga kaso?

Case 1: X posted on FB: "Nakita ko si PNoy kanina sa grand rally! Parang airport ang noo! Hahaha. Panot!" X then shared this to other groups and pages and obtained a million likes. Decide.
Case 2: Y tweets on twitter "Bakit pag tumatae ako lagi kong naalala si Senator Sotto?. Y alleged the senator of being an excrement in the society in an indirect manner. Decide.
Case 3: Z posted a picture on instragram unintentionally revealing his testicles. Such as the case of Jhong Hilario. Decide.

Alam mo sino sa lahat ang kaawawa? Hindi ikaw, wag kang selfish. Ang ating mga law sudents. Isipin mo na lang kung anong kabalustugan ang kailangan nilang pag-aralan. Dagdag pasanin ang isang buong batas na wala namang kwenta. 

Pero salamat sa Darna ng senado, naramdaman kong may boses pa pala ako. Taimtim kong dalangin na sana hindi maipasakatuparan ang batas na ito. Hindi sa kadahilanang nais kong palagpasin ang mga kasamaan at imoralidad sa internet ngunit dahil nais kong makita na kahit sa ganitong aspekto maging responsable ang mga Pilipino. Datapwa't kanignig na sa ating pagkatao bilang Pilipino ang pagiging iresponsable, ako’y patuloy pa ring umaasa. Kaibigan, kapwa MSUAN, mga propesor ng Unibersidad, mga Heneral at kapwa ko Pilipino ano nga ba ang ating magagawa para sa tamang pagbabago? Hindi ko naman kayo hinihikayat na mag-rally at sigawan ng paulit ulit ang mga taong ‘to. Hindi sila bingi, nagbibingibingihan lang. Isipin na lang natin na naging mapayapa ang EDSA revolution. Maraming paraan para ipahayag ang ating pagtutol ng malinis at mabuti. Anong paraan ang magagawa mo kamo? Aba'y ewan ko sa'yo.


John DC

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento