At dahil nilaglag ako ng kakambal kong Hudas ito ang masasabi ko , "Iba ang genre ng kagwapuhan ko". Ibang level ang mga nahuhumaling dito. Haha!
Pasintabi po sa mambabasa, hindi po kami tulad ng mga taong namumulitika na nakikipag-unahan sa kung sino man ang unang makapagsalita sa entablado at makakuha ng inyong boto.
Grand rally lang naman ng mga utak naming nagsisigawan. Hindi sa pamamagitan ng pagpunit ng mukha ni Noynoy o ang pagtiris ng nunal ni Arroyo sa kalye kundi sa pag-iingay namin sa mga sulating nais naming sa inyo'y makarating.
(Ito na yung utang ko sa inyo)
Anti-Bullying Act of 2013.
Republic act 10627.
<*tunog ng bata*> kailangan pa bang imeymorayz yan?
OO! Memorize mo nga ang buong lyrics ng kanta ng EXO at SNSD. Eh itong kakaunting numero, naaallergy ka na agad.
Pero joke lang, walang basagan daw ng trip. Pero paumanhin ha, trip ko ding pagtripan ka eh. Haha!
May nabasa akong artikulo sa isang pahina ng prestihiyosong Unibersidad na itago natin sa pangalang "Blue Knights" sa dakong timog ng bansa. Isa siyang biktima ng karumaldumal na krimen na kung tawagin natin ay "bullying". Sa aking pagbabasa, ako'y nakaramdam ng inis at awa sa mga taong nang-aapi sa kanya. Napakumento tuloy ako sa pahinang iyon,
"Ipagdasal na lang natin ang kaitiman ng budhi nila at ang napreheat na nilang kaluluwa"
Ngunit, sa aking pagmumunimuni, napagtanto ko na hindi ko rin pala alam ang puno't dulo ng kwento. Kung kaya't naisip kong napakabias ko naman ng panahong 'yon sa pagkumento ko ng ganito. Ano nga ba ang dahilan ng pambubully ng iba?
Ito ang iilang rason na halatang gawagawa ko lang:
1. Kayamanan
-Sana kasi kung magyayabang ka lang naman, sariling pera mo at hindi sayong mga magulang. Sabi nga ni Jessie J, "its not about the money, money, money". Napakasensible di ba?
2. Kagwapuhan/Kagandahan
-Wag kang mag-alala, sa hindi katagalan ang mga malaporselana nilang kutis ay magmumukang siopao din yan. Idagdag mo pa ang ugaling kalye nila, hmm! Ayoko na, masasaktan na ang mga ego nila.
3. Combination ng dalawang nabanggit
-I would just like to tanong you guys, pila inyong grades sa school?
(TagBiLish conyo na uso daw sa kanila ayon sa isa kong kachat na taga dun)
Ano nga ba ang karapatan ng mga taong inaapi sa loob ng eskwela? Buti na lang may mga nagagawa din pala ang iilan nating mambabatas bukod sa matulog tuwing session.
Ayon sa Philstar.com, inilunsad ang programang ito noong Setyembre 2013. Ang isa sa mga pangunahing nagpanukala ng batas na ito ay si Senator Santiago (Honesto! Hindi niya po ako binabayaran para sa free campaign ads) na nagsabing "bullying causes physical, psychological and emotional harm to students and interferes with students’ ability to learn and participate in school activities.”
Ako'y lubusang nagpapasalamat sa mga tao sa likod ng batas na ito pagkat nalaman kong may kaukulang parusa pala ang mga taong minamaliit ang iba. Kung nais mong malaman ang mga parusang ito, igoogle at basahin mo ang section 4 ng nasabing batas. Wag tatamad-tamad. At dahil din dito, kahit alam ng nanay kong gwapo talaga ako, hah! Hindi na ako mabubully ni pareng Judas sa looks nya! Haha
Sa kabilang dako naman ng planetang Mars(na kinabibilangan namin ng kakambal ko), may malaking larawan pa ang Bullying.
Ayon sa kolumnista ng Philippine star na si Jairus Bondoc, "In schools, neighborhoods, and offices lurk bullies menacing the meek. Around the world too skulk bully-countries threatening the weak. In Asia that bully is China."
Marami sa atin ang nakakaalam sa hidwaan ng ating bansa at ng Tsina. Natakot nga ako nung naglipana ang mga video sa youtube na kung sasakaling magkaroon ng gyera, naku! Taob ang buong isla ng Pilipinas. Pero syempre, matapang tayo di ba? (O pwde din nagtatapang-tapangan lang talaga). Naisip kong, paano kaya kung matuloy talaga yun? Sa kakulangan natin sa mga sa sundalo, eh sinong ipapadala natin? Mga ROTC, ganun? Eh bahala kayong magbakbakan diyan! Basta magsusulat ako! Yung adviser ko naman talaga ang may gustong mag ROTC ako eh! Siya ipadala niyo dun!
Sana nga magpatupad ang United Nations ng treaty na kung sinong bansa ang magsabing "pangit","pandak" at "pango ang ilong" sa mga karatig bansa ay pwersahang gigiyerahin ng mga miyembrong bansa nito.
Tulad ng mga bully sa paaralan na takot sa mga nangangagat na mga school principal, ang bansang Tsina ay takot rin sa mga makapangyarihang bansa. Sabi ng kolumnistang nabanggit ko sa itaas, nung dumaong sa Ayungin Shoal ang Hukbong Pandagat ng Estados Unidos bigla na lang daw nawala ang mga warships ng mga intsik. At nung minachine-gun ng Russian Coast Guard ang mga tsino, biglang natahimik daw ang Beijing. Dagdag pa niya "Aggression is the only language China understands."
Maihahalintulad natin ang mga hinayupak na mga bully sa school sa bansang Tsina. Bukod sa pag-angkin nila sa buong school grounds bilang tambayan, ampaplastik pa ng mga mukha pag may mga otoridad nang nasa paligid! Kadiri talaga ng mga ugali!
At talagang pinilit kong iklian ang artikulong ito(maikli na ba?) para sa mga maprotestang kumento. Pero dahil nagbasa ka hanggang dito, ako'y lubusan pa ring nagpapasalamat sa iyo.
P.s
Fully paid na ako ha? At baka akalain niyong patay na si tanda. Sadly, hindi pa po. Haha!
John DC
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento