Para humupa
ang tensyon sa kamara dala ng pagsasabatas ng RH Bill, bibigyan ko kayo ng
pampachill na listahan ng mga peymus-peymusan.
1. Ibigin mo
ang iyong sarili sa pamamagitan ng maraming selfie.
2. Kung
kaaya-aya ang iyong mukha, siguraduhin mong kapag ika'y nagsalita ay hindi amoy
mandirigma.
3. Huwag na
huwag makialam sa lipunan; dapat mukha mo lang ang kanilang kawilihan.
4. Huwag
magpost ng larawang malaki ang hinaharap kung alam naman ng lahat na ito ay
gawang photoshop.
5. Huwag
magnakaw ng quotes ng iba at ilagay sa caption ng iyong mukhang naka-retrica.
(Non-bailable
offense ito; ipapanukala ni Sotto)
6. Huwag
masyadong mamansin; dapat sa kagwapuhan/kagandahan mo ay mataas ang kanilang
tingin.
7.
Siguraduhin mong hindi ka naka-auto like. (Parang nag-exam ka lang nun tapos
check your own paper; niloloko mo lang sarili mo)
8. Idelete
ang pictures na hindi umabot ng 100 likes. Nakakalaos 'yun.
9. Kailangan
miyembro ka ng mga grupong: "Bawal ang panget" o "Cute
clan" at iba pang kapisanan ng mga jeje.
10.
Siguraduhin mong maikli lang ang mga comments mo, para mysterious.
000
Unti-unti
nang nagiging manhid ang mga pinoy. Nakakabahala. Nakakalungkot isipin na mas
marami pang nakakaalam sa history ng dikya kesa sa batas na umiiral sa bansa.
Wakas.
P.S. Wala na
naman ako sa timeslot. Tinopak na naman eh.
Magandang
umaga!
-John DC
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento